dzme1530.ph

Bayarin ng mga pasyente sa level 3 public hospitals sa bansa, sasagutin na ng gobyerno —PBBM

Sasagutin na ng pamahalaan ang lahat ng bayarin ng mga pasyenteng sa lahat level 3 public hospitals sa bansa.

Ito ang inanunsyo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. kasabay ng pagdiriwang ng kanyang ika-67 kaarawan ngayong araw ng Biyernes, Setyembre 13.

Sa kanyang talumpati sa paglulunsad ng Agri-puhunan at Pantawid Program sa Guimba Nueva Ecija, inihayag ng Pangulo na layunin nilang matulungan ang mga Pilipinong may pangangailangang medikal.

Sinabi ng Pangulo na kabilang sa level 3 public hospitals ay ang Dr. Paulino Garcia Memorial & Medical Center sa Nueva Ecija.

Batay sa listahan ng PhilHealth, ilan pa sa level 3 public hospitals ay ang Philippine General Hospital at marami pang iba.  —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author