dzme1530.ph

Bayan sa Eastern Samar, isinailalim sa state of calamity dahil sa bagyong Tino

Loading

Nagdeklara ang municipal government ng Guiuan sa Eastern Samar ng state of calamity, kasunod ng malawak na pinsalang idinulot ng Typhoon Tino.

Inaprubahan ng Sangguniang Bayan ng Guiuan sa kanilang special session kahapon ang deklarasyon, kasunod ng ulat ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Council hinggil sa “extensive destruction” at “massive evacuations” bunsod ng pananalasa ng bagyo.

Naapektuhan ng bagyong Tino ang kaligtasan at kabuhayan ng mga residente, kabilang na ang island villages ng Suluan, Homonhon, at Manicani.

Karamihan naman sa mga evacuee ay umuwi na sa kanilang mga tahanan, maliban sa ilang pamilya mula sa Victoria Island na nananatili sa “Sirungan han Guiuan” evacuation site.

Sa pamamagitan ng deklarasyon ng state of calamity, magagamit ng municipal government ang kanilang Quick Response Fund para sa disaster response at recovery operations.

About The Author