dzme1530.ph

Bayan ng Lobo sa Batangas, isinailalim sa state of calamity bunsod ng ASF

Isinailalim sa State of Calamity ang Bayan ng Lobo sa Batangas dahil sa banta ng African Swine Fever (ASF).

Nabatid na 17 mula sa 26 na barangay sa Lobo ay may napaulat na kaso ng ASF sa mga piggery.

Bunsod nito ay nanawagan ang mga hog raiser ng tulong mula sa pamahalaan dahil umabot na sa ₱103 million ang halaga ng pinsala ng ASF sa kanilang sektor.

Kinumpirma naman ng Department of Agriculture na dalawa pang bayan sa Batangas ang apektado ng outbreak.

Sinabi ni DA Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. na maglalatag sila ng checkpoints sa tulong ng PNP, AFP, at local government units (LGUs) upang hindi makalabas ang mga infected na baboy.

Magsasagawa aniya sila ng mass testing at lahat ng baboy na nag-negatibo sa pagsusuri ay ilalabas ng Batangas.

About The Author