![]()
Naghayag ng pagkadismaya si Bayan Chairman at Former House Prosecutor Atty. Neri Colmenares, sa pagbasura ng Committee on Justice sa impeachment case ni Pangulong Marcos Jr.
Saad ni Colmenares, ang dismissal dahil insufficient in substance sa katwirang “mere allegations at not facts” ay mali.
Aniya, lahat ng complaints, civil o criminal complaints ay lahat nagsisimula sa “mere allegations.”
Sa panahon na ng paglilitis nabibigyan ng pagkakataon ang complainants at respondents na patunayang mali o tama ang aligasyon.
Ang proseso sa Justice Committee ay nahahati sa tatlong bahagi.
Una, prosecural, determinasyon kung sufficient in form, substance, at grounds for impeachment. Ikalawa, hearing–kung saan ipinipresinta ang ebidensya, at ikatlo ay ang committee report.
Nasa prosecural stage pa lamang aniya ang pagdinig na ang tanging hinihingi ay kung ang complaint ay nasa recital of facts, na kung mapapatunayan ay tsaka pa lamang huhusgahan kung nagawa nga ba ang betrayal of public trust.
