dzme1530.ph

Bawas presyo sa produktong petrolyo, umarangkada sa huling Martes ng Pebrero

May bawas presyo sa mga produktong petrolyo ngayong huling Martes ng Pebrero.

P0.95 ang tinapyas sa kada litro ng diesel habang P0.70 naman sa gasolina.

May bawas presyo din ang kerosene na P1.10 kada litro.

Batay sa datos mula sa Department of Energy, ito na ang pinakamalaking rollback sa presyo ng diesel at gasolina simula nang pumasok ang 2024.

About The Author