dzme1530.ph

Battle of Bangkusay, ginunita sa Lungsod ng Maynila

Ginugunita ngayong araw ng Sabado ng lokal ng pamahalaan ng Maynila ang unang aktibidad para sa 13 araw na okasyon sa lungsod.

Batay sa inilabas na calendar of activities hanggang sa Araw ng Maynila Celebration sa darating na June 24, 2023.

Ayon sa Manila LGU, ipinagdiriwang ngayong umaga ng alas-8:00 ang Ika-452 Anibersaryo ng Kagitingan sa Bangkusay, o mas kilala sa tawag na Battle of Bangkusay sa Plaza Moriones, Tondo, Maynila.

Dinaluhan ito ng mga opisyal mula sa Department of Tourism, Culture and Arts of Manila (DTCAM) kabilang ang Hukbong Dagat ng Pilipinas.

Nanguna naman sa naturang okasyon ang ina ng Lungsod na Maynila na si Mayor Dra. Honey Lacuna-Pangan at Bise Alkalde na si Yul Servo Nieto.

Habang ang pag-aalay ng bulaklak ay pinasinayaan ng Holy Angel University sa Pampanga, na sinundan ng Department of Tourism ng kaparehong probinsiya, sa katauhan ni Director Randy Del Rosario, Macabebe Pampanga Vince Edward Flores, at Hagonoy Mayor Flordeliza Manlapaz.

Layunin ng aktibidad ang kasaysayan ng pag-alala sa ipinamalas na kagitingan sa pakikipaglaban noong Hunyo 3, 1571, na pinamunuan ni Tarik Sulayman at sinuportahan naman ni Rajah Sulayman na nakipaglaban sa baybayin ng Bangkusay, sa mga Español, sa labas ng daungan ng Tondo sa Maynila na tinawag na Battle of Bangkusay history. —sa ulat ni Felix Laban, DZME News

About The Author