dzme1530.ph

Batayan sa pagpili ng 12 inendorsong 2025 senatorial candidates ng administrasyon, ibinahagi ng Pangulo

Ipinagmalaki ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang mga katangian ng labindalawang kandidatong napili niyang i-endorso sa pagka-senador para sa 2025 midterm elections.

Sa kanyang talumpati sa Alyansa Para sa Bagong Pilipinas Convention 2024 sa Philippine International Convention Center sa Pasay City, inihayag ng Pangulo na pinagsama-sama ang labindalawang pinaka-magigiting na Pilipino na may taglay na sipag at galing para maging pinuno.

Naniniwala si Marcos na sila ay titinding para sa interes ng bayan at para sa kapakanan at karapatan ng mamamayan.

Kumpyansa rin ito na mapananatili nila kanilang katapatan sa bansa, at ito umano ang mga katangiang kanyang pinag-isipan sa pagpili ng mga kandidato.

Samantala, ibinida rin ni Marcos na taliwas sa pananaw ng marami na ang Halalan ay panahon ng pagkakabitak-bitak at pagsisiraan, kabaligtaran naman ang araw na ito dahil pinag-isa ang pinakamalawak na pwersa ng taumbayan. —ulat mula kay Harley Valbuena, DZME News

About The Author