Pinirmahan ni pangulong Ferdinand Marcos Jr. Upang maging ganap na batas ang hakbang para sa modernisasyon ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs).
Layunin ng Republic Act no. 12180 o kilala bilang Phivolcs Modernization Act, na mabigyan ang ahensya ng state-of-the-art equipment, highly trained personnel, at karagdagang seismic stations.
Ito ay upang epektibong mapagbuti ang kapabilidad ng phivolcs na ma-detect at matunton ang lindol, volcanic at seismic events, partikular sa mga komunidad na may banta ng panganib.
Sa ilalim ng batas, lilikha ng Phivolcs Modernization Fund na gagamitin para sa modernisasyon ng ahensya.
Ang 7 billion pesos na inilaan ng Kongreso sa ilalim ng Appropriations Act, ay ituturing na iba at hiwalay na budget item, mula sa regular appropriation para sa Department of Science and Technology.