![]()
Nilagdaan na ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang batas na nag-uurong sa first regular elections sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa Sept. 14, 2026.
Nakasaad sa Republic Act 12317 na ang dapat isagawa ang first regular election para sa Bangsamoro government sa ilalim ng Organic Law sa ikalawang Lunes ng Setyembre ngayong taon.
At para makasabay ang BARMM parliamentary elections sa national at local polls, ang susunod na BARMM elections ay idaraos sa ikalawang Lunes ng Mayo 2031 at kada tatlong taon pagkatapos nito.
Ang mga unang mailuluklok na BARMM officials ay magsisilbi ng limang taong termino simula sa Oct. 30, 2026 hanggang June 30, 2031.
Magsisilbi ang Bangsamoro Transition Authority bilang interim government sa transition period, maliban na lamang kung papalitan sila ng Pangulo o maitalaga sila sa ibang opisina.
