dzme1530.ph

Batas na naglalayong ipawalang saysay ang Oil Deregulation Law, inihain ni Rep. Erwin Tulfo

Gaya ng naipangako, inihain na ni ACT-CIS Rep. Erwin Tulfo, ang panukalang batas na naglalayong ipawalang saysay ang Republic Act 8479 o Downstream Oil Industry Deregulation Act of 1998.

Ayon kay Tulfo, Deputy Majority Leader, ang House Bill 8898 ay nilalayong ipawalang bisa ang RA 8479 at ibalik sa gobyerno ang price control sa fuel pump prices.

Una diyan sa kanyang privilege speech, tahasang sinabi ni Tulfo na nalinlang ang taumbayan nang pagtibayin ang Oil Deregulation Law na ang hangad ay magkaroon ng kumpetisyon para bumaba ang presyo ng oil products.

Nakapaloob din sa HB 8898 ang pagtatatag ng Budget ng Bayan para sa Murang Petrolyo (BBMP) na nasa kontrol ng Office of the President.

Trabaho ng BBMP na magsilbing stabilizer sa presyuhan ng produktong petrolyo.

Bibigyan ito ng P10-B pondo na huhugutin sa koleksyon mula sa ad valorem tax o import duties ng crude oil at finished petroleum products, incremental dividends at receipts mula sa government corporations at savings ng National Government. –sa ulat ni Ed Sarto, DZME News

About The Author