Hiniling ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte sa mga senador na bumuo ng batas na magbabawal sa panghihingi ng kontribusyon sa mga estudyante.
Ito ay matapos ang pahayag ni Sen. Raffy Tulfo na patuloy pa rin ang panghihingi ng kontribusyon sa mga estudyante para sa mga pangangailangan sa silid-aralan sa kabila ng umiiral na ‘no collection policy’ ng DEPED.
Ayon sa kalihim, dapat bumuo ng isang batas para magkaroon ng karampatang parusa sa mga guro o magulang na maggigiit ng panghihingi ng financial contribution sa mga paaralan.
Matatandaang Sa pagdinig ng panukalang 2024 Budget ng DepEd sa senado, pinunto ni Tulfo na kadalasan nagiging paksa sa mga parent-teachers meeting ang panghihingi ng kontribusyon para sa pambili ng mga electic fan, chalk, floor wax, pintura, test tube, pambayad sa guwardiya at iba pa gayung mayroon namang pondo para sa MOOE (maintenance and other operating expenses) ang bawat paaralan para sa ganitong mga gastos. –sa panulat ni Jam Tarrayo