dzme1530.ph

Batas na magpapalakas ng salt industry, nilagdaan ng Pangulo

Nilagdaan ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. ang Philippine Salt Industry Development Act na magpapalakas sa industriya ng asin sa bansa.

Sa ilalim ng batas, isasagawa ang research o pag-aaral at bibigyan ng angkop na teknolohiya, financial, production, marketing, at iba pang support services ang salt farmers tungo sa pagpapataas ng produksyon.

Layunin nitong makamit ang salt-sufficiency para gawin ang bansa bilang susunod na exporter ng asin.

Bubuuin din ang Philippine Salt Industry Development Roadmap na pangangasiwaan ng itatatag na Salt Council, at ang mga adhikain nito ay ililinya sa Republic Act no. 8172, o “An Act for Salt Iodization Nationwide.

Ang Salt Council ay pamumunuan ng Dep’t of Agriculture, katuwang ang Dep’t of Trade and Industry at mga kinatawan mula sa mga kooperatiba sa Luzon, Visayas, at Mindanao.

About The Author