dzme1530.ph

Batas na bubura sa utang ng agrarian reform beneficiaries, hakbang tungo sa social justice sa mga magsasaka!

Naniniwala ang liderato ng Senado na malaking tulong sa mga magsasaka ang nilagdaang batas na magbubura sa utang ng mga agrarian reform beneficiaries.

Sinabi ni Senate President Juan Miguel Zubiri, magandang balita ito para sa mga kababayang magsasaka dahil mababawasan na ang kanilang pasanin sa pagbabayad ng amortization.

Sa tulong anya nito ay mapapagaan ang kanilang pagbabayad at mapapabilis na mapasakanila ang kanilang lupang sinasaka.

Sa panig naman ni Senate President Pro Tempore Loren Legarda, ang bagong batas ay mahalagang hakbang tungo sa pagbibigay ng social justice para sa mga magsasakang Pilipino.

Kinikilala rin ni Legarda na ang batas na ito ay hindi ganap na makakatugon sa lahat ng problema ng mga magsasaka, pero isa itong mahalagang hakbang sa pagtugon sa isyu ng land ownership at sa pagbabawas ng pasakit sa pagbabayad ng utang.

Binigyang-diin pa ng mambabatas na ang pagpapasa ng bagong Agrarian Reform Emancipation Act ay hudyat ng commitment ng pamahalaan sa pagtugon sa kapakanan ng mga magsasaka at sa pagtataguyod ng sustainable agriculture practices sa Pilipinas.

Tiwala rin si Legarda na ang batas na ito ay makakatulong tungo sa layuning magkaroon ng agriculture-driven economic growth ang bansa. —sa ulat ni Dang Garcia, DZME News

About The Author