Isinusulong ni Senador Robin Padilla ang panukala na naglalayong higpitan pa ang batas laban sa illegal recruitment.
Inihain ni Padilla ang Senate Bill 2216 upang protektahan ang mga overseas Filipino workers sa illegal recruitment at human trafficking
Aamyendahan sa panukala ang Art. 38B ng Presidential Decree 442 o Labor Code of the Philippines at Section 6 ng Republic Act 8042, ang Migrant Workers and Overseas Filipinos Act of 1995.
Sa kanyang panukala, iginiit ni Padilla na pasok na sa “illegal recruitment committed by a syndicate” kung dalawang tao – sa halip ng kasalukuyang tatlo – ang nagkuntsabahan para gawin ang krimen.
Naniniwala si Padilla na kung maging batas ang kanyang panukala, magiging mas ligtas at patas ang pagre-recruit ng mga Pilipino para sa trabaho sa ibayong dagat.
Umaasa si Padilla na sa pagpasa ng panukala, mapapalakas ang proteksyon sa manggagawang Pilipino, mapipigilan ang economic sabotage —sa ulat ni Dang Garcia