dzme1530.ph

Batangas Vice-Gov. Mark Leviste, kinumpirmang siya ang “Marc” na tinukoy ni Kris Aquino na karelasyon nito

Kinumpirma ni Batangas Vice Governor Mark Leviste ang kanyang relasyon kay Kris Aquino, kasabay ng paglilinaw na ang kanyang totoong nickname ay binabaybay ng “Marc.”

Paliwanag ni Leviste, ginagamit niya ang “Mark” sa kanyang social media platforms at political materials.

Ginawa ng bise gobernador ang paglilinaw sa pamamagitan ng kanyang Instagram Stories, isang linggo makaraang ibunyag ng tinaguriang Queen of All Media ang bagong relasyon kay “Marc.”

Sa mga naunang Instagram post, tinawag ni Leviste si Kris na “My Love” kasabay ng pasasalamat sa pag-endorse sa kanyang anak na si C2 para sa student council position sa De La Salle-Greenhills.

Isiniwalat din ng dating actress-TV host na “Mommy Kris” ang tawag sa kanya ng anak ni Leviste. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author