Nagdeklara na rin ang Bangsamoro Government ng State of Calamity bunsod ng malalang epekto ng El Niño phenomenon.
Naglabas ang Office of the Chief Minister (OCM) ng Proclamation 002 series of 2024, para matulungan ang mga apektadong komunidad at mapabilis ang hakbang ng interim government, kabilang ang response operations at recovery efforts.
Ang inilabas na proklamasyon ay upang ipanawagan din sa concerned Bangsamoro Automonous Region in Muslim Mindanao (BARMM) ministries, offices, at agencies na gumagawa ng mga kinakailangang hakbang upang matugunan ang nararanasang kalamidad.
Sa ilalim ng Republic Act 11054 o Bangsamoro Organic Law, may kapangyarihan ang chief minister na magdeklara ng State of Calamity sa panahon ng kalamidad na lubhang nakaaapekto sa buhay o ari-arian sa rehiyon.