dzme1530.ph

BARMM, isasama sa voter registration period para sa Barangay at SK Elections sa Hulyo —Comelec

Loading

Isasama na ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa 11-araw na voter registration period sa susunod na buwan.

Sinabi ni Comelec Chairman George Garcia na ito ay para mabigyan ng pagkakataon ang mga residente sa rehiyon na 15 hanggang 17-anyos, na makapagpatala para sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections (BSKE) sa Dec. 1, 2025.

Inihayag ng poll chief na bukas ito para sa lahat ng klase ng registration, ito man ay bagong registrants, transfer of registration o reactivation.

Paliwanag ni Garcia, ayon sa batas, ang Bangsamoro Parliamentary Election ay pagpapatuloy ng national at local elections, kaya ang registered voters noong May 12 ay dapat ding bumoto sa Oct. 13.

Gayunman, ang mga magpapatala aniya simula July 1 hanggang 11 ay hindi magiging bahagi ng Bangsamoro elections, at sa halip ang kanilang boto ay para sa Dec. 1- BSKE.

About The Author