dzme1530.ph

Barkong pandigma ng Japan, nakadaong sa Subic para sa 3-day goodwill visit

Loading

Nagsagawa ang Japan Maritime Self-Defense Force (JMSDF) multi-mission frigate na JS Noshiro ng inaugural port call sa naval operating base Subic sa Zambales.

Sa social media post ng Japanese Embassy sa Pilipinas, ang mahalagang pagbisita ng kanilang barko ay testamento ng lumalawak na maritime partnership sa pagitan ng dalawang bansa.

Pinagtitibay nito ang malalim na commitment sa pagpapanatili ng kapayapaan, katatagan, at kaunlaran sa buong Indo-Pacific Region.

Katatapos lamang sumabak ng Noshiro sa isang training cruise sa Australia bago ito dumating sa Subic Bay para sa tatlong araw na goodwill visit.

About The Author