dzme1530.ph

Barko ng Pilipinas na naghatid ng tulong sa mga mangingisda sa Pag-Asa island, mapayapang nakapaglayag

Mapayapang nakapaglayag ang BRP Francisco Dagohoy na naghatid ng tulong sa mga mangingisda sa Pag-Asa island.

Ikinasa ng Philippine Coast Guard (PCG) at Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) ang biyahe para sa pamamahagi ng P5-M halaga ng post-harvest facilities at fishing boats para sa mga mangingisda sa naturang isla.

Sa paglalayag ng patrol vessel, walong barko mula sa hindi pa tukoy na mga bansa ang namataang naka-posisyon, hindi kalayuan mula sa Pag-Asa island.

Isang barko rin ng Philippine Navy ang namataan sa lugar.

Ayon kay Lt. Commander Mark Adrias, kapitan ng BRP Francisco Dagohoy, wala silang natanggap na anumang radio challenge sa 20 oras na kanilang paglalayag mula sa Puerto Princesa sa Palawan patungo sa naturang isla. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author