dzme1530.ph

Barko na may mga sakay na tripulanteng Tsino, sumadsad sa Zambales

Isang barko na may lulang pitong Chinese crew ang sumadsad sa pier sa San Felipe, Zambales.

Simula May 16 ay naka-detain ang barko sa karagatan na sakop ng Brgy. Sindol, makaraang mapansin ng Philippine Coast Guard (PCG) ang mahigit 20 deficiencies.

Pinayagan naman ng PCG ang barko na sumilong muna sa pier sa Brgy. Maloma dahil sa masamang panahon noong May 25.

Gayunman, nang paalis na ang barko sa pier ay sumadsad ito bunsod ng malalakas na alon.

Nasa maayos namang kondisyon ang mga tripulanteng Tsino at agad ibinaba sa barko upang masuri sa municipal health office.

About The Author