dzme1530.ph

Banta ni VP Duterte sa buhay nina PBBM, FL Liza, HS Romualdez, isang paglabag sa Revised Penal Code —Rep. Defensor

Loading

Naniniwala si Iloilo 3rd Dist. Rep. Lorenz Defensor na mabigat na krimen at banta sa national security ang pahayag ni VP Sara laban kina Pangulong Ferdinand Marcos Jr., First lady Liza Marcos at House Spkr. Martin Romualdez.

Si Defensor na kabilang sa 11-man House prosecutor team ay nagsabi na ang pag hire o plano ni VP Sara na kumuha ng assassin ay hindi lang ‘reckless rhetoric’ kundi “high crime” dahil binabantaan nito ang pundasyon ng Republika.

Punto ni Defensor, ang Pangulo ng Pilipinas ay Commander-in-Chief ng AFP, ang pinakamataas na awtoridad sa militar ng bansa, kaya naman ang kaligtasan nito ay national interest.

Bilang Pangalawang Pangulo, sumumpa rin umano ito na ipagtatanggol ang Konstitusyon.

Dagdag ng kongresista, ang mga naging pahayag ni VP Sara gaya ng pagpatay, pakikipagsabwatan, pag-uudyok sa rebelyon at pagbabanta ay paglabag sa Revised Penal Code na may katapat na parusa.

Kung hahayaan aniya ang mga pagbabanta ng Bise Presidente, magbibigay ito ng negatibong mensahe sa publiko, kaya panawagan ni Defensor sa taumbayan, AFP at demokratikong institusyon na manindigan sa ngalan ng batas at pangangalaga sa integridad ng pamahalaan.

About The Author