![]()
Aktibong nakatutok ang Department of Health (DOH) sa mga evacuation center matapos ang Bagyong Tino at Uwan, dahil sa banta ng pagkalat ng tigdas.
Ayon sa datos ng DOH mula Enero hanggang Nobyembre, umabot na sa 4,718 ang kaso ng measles-rubella sa bansa, 37% na mas mataas kumpara sa parehong panahon noong 2024.
Tinatayang 73% ng mga kaso ay hindi pa bakunado, karamihan ay mga batang limang taong gulang pababa. Mayroon ding 118 kaso ng rubella na higit doble ang itinaas kumpara noong nakaraang taon.
Tiniyak naman ng DOH na sapat ang suplay ng bakuna sa mga health center.
Sinabi ng ahensiya na nitong Biyernes, aabot sa dalawang milyong doses ng measles-rubella vaccines ang dumating sa bansa.
