dzme1530.ph

Bank savings ni Gigi de Lana, nilimas ng scammer

Nilimas ng scammer ang pera sa bangko ng kilalang singer na si Gigi De Lana.

Ito ang idinetalye ni Gigi sa kanyang panawagan sa netizens na tigilan na ang pang-babash sa kanya at mas piliin na lang na maging mabait.

Kwento ng singer, panggastos at pampagamot sana ng kanyang nanay na may stage 4 breast cancer ang nakuhang pera sa kanyang BDO account.

Sinabihan pa daw siya ng scammer ng “Get well soon po kay Ma’am Gigi” bago siya nakawan ng tuloy-tuloy hanggang sa maubos ang laman ng kanyang savings account.

Matatandaang noong nakaraang buwan lang ay naaksidente ang sinasakyang van ni Gigi habang papunta sa kanilang gig sa Ilocos Norte. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author