Pumalo sa 20-month high ang bank lending noong Agosto, batay sa datos ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP).
Lumago ng 10.7% o sa ₱12.25-Trillion ang outstanding loans ng Universal at Commercial banks noong ika-8 buwan mula sa ₱11.07-T noong Aug. 2023.
Ito rin ang pinakamabilis na growth rate simula nang maitala ang 13.7% noong December 2022.
Ayon sa Chief economist ng Rizal Commercial Banking Corp. na si Michael Ricafort, ang paglago ng lending ay bunsod ng rate cut ng BSP noong Agosto, na unang policy reduction sa loob ng halos apat na taon. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera