![]()
Lumago ang bank lending sa bansa noong Pebrero, matapos madagdagan ang loans para sa business activities.
Batay sa datos mula Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), lumobo ng 9.5% o sa 14.269 trillion pesos ang total outstanding loans mula sa universal at commercial banks.
Kumpara ito sa 13.027 trillion pesos noong February 2025 at mas mabilis sa halos two-year low growth na 9.3% noong Enero.
Tumaas ng 10.1% o sa 13.987 trillion pesos ang pautang sa mga residente noong Pebrero mula sa 12.702 trillion pesos na naitala sa kaparehong buwan noong nakaraang taon.
