dzme1530.ph

Bangkay ng 2 Pinoy na namatay sa Israel, hindi pa nare-retrieve ng PH Embassy

Hindi pa nare-retrieve ng Philippine embassy ang katawan ng dalawang Pilipinong namatay sa Israel kasunod ng pag-atake ng Palestinian militant group na Hamas.

Sa press briefing sa Malakanyang, inihayag ng mga opisyal ng Philippine Embassy sa pangunguna ni Philippine Ambassador Junie Laylo Jr., na nakikipag-ugnayan pa sila sa Israeli authorities upang ma-retrieve ang katawan ng mga biktima.

Sinabi rin ng embahada na nasawi ang dalawang Pinoy sa Kibbutz City, noong unang araw mismo ng pag-atake ng Hamas.

Ibinahagi ng embassy na nakatanggap na sila ng request para sa pagpapauwi sa bangkay ng dalawang Pinoy.

Ang mga nasawi ay isang 33 anyos na babae na tubong pangasinan at anim na taon nang nagta-trabaho sa Israel, habang ang isa ay lalaki, 42 anyos, na tubong Pampanga. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author