Isang Chinese Maritime Militia (CMM) vessel ang sinadyang banggain ang bangka ng Bureau of Fisheries and Aquatic Resources (BFAR) sa bisinidad ng Pag-asa Island o Sandy Cays.
Ayon sa BFAR, nagpa-patrolya ang BRP Datu Cabaylo at BRP Datu Sanday, 5 nautical miles mula sa Pag-asa Island sa Palawan, nang magsagawa ang CMM vessel ng “dangerous maneuvers” sa paligid ng Datu Cabaylo at tinangkang harangan ang daraanan ng bangka.
Sa nakuhanang video, sinadyang sagiin ng Chinese vessel ang Datu Cabaylo na nagtamo ng mga bahagyang gasgas sa starboard bow.
Sa kabila naman ng naturang insidente, tinapos pa rin ng BFAR ang kanilang pagpapatrolya at ligtas na naka-daong sa Pag-asa sheltered port. —sa panulat ni Lea Soriano-Rivera