![]()
Posibleng sinasamantala ng China ang misinformation at bangayan ng mga opisyal ng pamahalaan para makalimutan ang mas malaking isyu sa West Philippine Sea.
Ayon kay Rear Admiral Roy Vincent Trinidad, Navy Spokesperson for the West Philippine Sea, layunin ng Chinese Communist Party na hatiin ang opinyon ng mga mamamayan at pag-awayin ang mga lider, para malihis ang atensyon sa panghihimasok ng mga barko ng China sa ating Exclusive Economic Zone (EEZ).
Sa ngayon aniya ay patuloy pa rin ang iligal na presensya ng Chinese Vessels sa West Philippine Sea, gaya ng People’s Liberation Army Navy, Chinese Coast Guard, at Maritime Militia.
Tiniyak naman ni Trinidad na hindi magpapaapekto ang militar sa political discourse at patuloy na po-protektahan ang soberanya ng bansa, integridad ng teritoryo, at kapakanan ng mga Pilipino.
