dzme1530.ph

Ban Toxics nagpaalala sa mga mamimili ngayong Christmas Season

Nagpaalala ang Toxic Watchdog Group na Ban Toxics sa mga mamimili na tiyaking ligtas o may maayos na kalidad ang mga produktong bibilhin upang gawing dekorasyon sa kanilang mga bahay sa Christmas Season.

Ayon kay Ban Toxics Campaigner Thony Dizon, dapat maging ma-ingat sa pagpili ang publiko gayung naglipana ang mga hindi sertipikadong produkto na lubhang delikado.

Gaya na lamang anila ng itinitindang Christmas decor sa mga tiangge na nagtataglay ng kemikal na maaaring makaperwisyo sa kalusugan.

Dahil dito, hinimok ng grupo ang regulatory agencies ng pamahalaan na bantayan ang binibentang holiday decorations sa merkado.

Nabatid na karaniwang sanhi ng sunog tuwing magpapasko ang Christmas lights na may manipis na wiring, walang tamang label at hindi rehistrado na naiiwang magdamag na nakabukas.

—Ulat ni Joana Marie Luna, DZME News

About The Author