Ipinagpaliban ng Comelec ang pag-i-imprenta ng mga balota para sa Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) parliamentary elections.
Ginawa ni Comelec Chairman George Garcia ang anunsyo, kahapon, kasunod ng desisyon ng Bicameral Conference Committee na iurong ang halalan sa Oct. 13, 2025.
Paliwanag ni Garcia, hindi nila pinatuloy ang printing ng mga balota para sa BARMM elections, sapagkat posible aniyang maging batas ang enrolled bill para sa paglipat ng petsa ng halalan.
Sa kabila naman nito ay kinumpirma ng poll chief na ongoing ang pag-i-imprenta ng mga balota para sa National and Local Elections sa BARMM.