dzme1530.ph

Ballot printing para sa barangay at SK elections, target tapusin ng Comelec sa Disyembre

Loading

Target ng Comelec na matapos sa Disyembre ang paglilimbag ng mahigit 92 million ballots para sa barangay at Sangguniang Kabataan elections (BSKE) na itinakda sa susunod na taon.

Inihayag ni Comelec Chairman George Garcia na umaasa sila sa poll body na matatapos nila ang pag-iimprenta, kabilang na ang verification sa kalagitnaan ng Disyembre.

Ipinaliwanag din ni Garcia na sinimulan nila nang maaga ang printing kahit sa Nobyembre 2, 2026 pa ang halalan upang maiwasan ang overlapping ng paghahanda para sa kauna-unahang Bangsamoro parliamentary elections.

Itinakda kasi ang ballot printing para sa Bangsamoro elections sa Pebrero sa susunod na taon.

Binigyang-diin din ng poll chief na ayaw nilang makompromiso ang kalidad ng mga materyales para sa mga balota na kanilang ililimbag.

About The Author