Niyanig ng magnitude 4.0 na lindol ang bahagi ng Aurora, kaninang alas-10:41 ng umaga.
Ayon sa PHIVOLCS, may lalim itong 19 kilometro at natukoy ang episentro sa layong 32 kilometro timog-silangan ng Baler, Aurora.
Naitala naman ang Instrumental Intensity III sa Gabaldon, Nueva Ecija.
Samantala, nilinaw ng PHIVOLCS na walang naiulat na aftershocks o pinsala bunsod ng nasabing pagyanig.