dzme1530.ph

Balance of payments surplus, lumobo sa $359 million

Loading

Lumobo ang balance of payments (BOP) surplus ng Pilipinas noong Agosto, bunsod ng tumaas na net income ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) mula sa mga investment sa ibang bansa.

Sa preliminary data ng BSP, umakyat sa $359 million ang BOP surplus noong ika-walong buwan mula sa $88 million na naitala noong Agosto 2024.

Ang naturang posisyon ay kabaliktaran ng $167-million deficit na nai-record noong Hulyo.

Samantala, mula Enero hanggang Agosto, nasa $5.379 billion ang BOP deficit, kumpara sa $1.592-billion surplus na naitala sa kaparehong panahon noong nakaraang taon.

 

 

About The Author