Lumobo ang Balance of Payments (BOP) deficit ng bansa noong Hunyo, ayon sa Bangko Sentral ng Pilipinas.
Sa datos ng ahensya, umabot ito sa $606-M mula sa $439-M noong Mayo, subalit nananatili pa rin sa kalahati ng $1.6-B na naitala sa nakalipas na panahon.
Ini-uugnay ang naturang deficit noong Hunyo sa patuloy na pagtaas ng net foreign currency withdrawals ng national government mula sa mga deposito nito sa Cental Bank upang bayaran ang utang sa ibang bansa at iba pang gastusin.
Ang Balance of Payments ay tumutukoy sa mas maraming bilang ng inimport na serbisyo, produkto, at kapital kumpara sa inexport. —sa panulat ni Airiam Sancho