dzme1530.ph

Bakuna kontra ASF virus, inirekomenda ng BAI sa FDA

Inindorso na ng Bureau of Animal Industry (BAI) ang AVAC ASF live vaccine ng Vietnam sa Food and Drug Administration (FDA).

Ayon kay BAI Asst. Dir. Dr. Arlyn Vytiaco, naibigay na nila sa FDA ang rekomendasyon para sa bakuna kontra African Swine Fever (ASF).

Nabatid na isinagawa ang serye ng vaccine field trial ng naturang bakuna mula Marso hanggang Mayo sa 6 na farm sa Luzon kung saan nagkaroon ng positibong resulta.

Iginiit ng BAI na dapat maumpisahan na ang pagbabakuna upang mapigilan ang pagkalat ng ASF virus na inaasahan ding magpapatatag sa populasyon ng mga baboy sa Pilipinas.

Sa inilabas na datos ng BAI nitong Hunyo a-1 aabot sa 15 lalawigan sa 9 na rehiyon sa bansa ang may aktibong kaso ng ASF. —sa panulat ni Joana Luna

About The Author