dzme1530.ph

Bakbakang Donaire-Santiago, kasado na sa July 15 sa Las Vegas, Nevada

Kasado na sa July 15, sa Las Vegas Nevada ang World Title Fight ng Filipino boxer na si Nonito Donaire laban sa mehikanong si Alexandro Santiago.

Ang sagupaan para sa bakanteng WBC Bantamweight Belt, ay magsisilbing co-feature sa lightweight clash tampok sina Frank Martin at Artem Harutyunyan sa isang Showtime Triple Bill, ayon sa boxingscene.com.

Dapat ay makakalaban ni Donaire si Jason Maloney para sa WBC Title subalit mas pinili ng Australyano na i-pursue ang WBO Strap na nakamit naman niya noong nakaraang buwan matapos talunin ang Pinoy na si Vincent Astrolabio sa California.

Inaprubahan ng WBC ang Donaire-Santiago fight noong February 16. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author