dzme1530.ph

Bahrain, magbubukas ng embassy sa Pilipinas

Magtatayo ang Bahrain ng kanilang embahada sa Pilipinas ngayong taon, kasabay ng 45th anniversary ng diplomatic relations sa pagitan ng dalawang bansa.

Ayon sa Department of Foreign Affairs, sa kasalukuyan, ang embassy ng Kingdom of Bahrain sa Bangkok, Thailand ang may hurisdiksyon sa Pilipinas.

Una nang tinanggap ng DFA ang delegasyon mula sa Ministry of Foreign Affairs ng Bahrain sa pangunguna ni Dr. Mohamed Ali Bahzad na Undersecretary for Consular and Administrative Affairs.

Sa Twitter, inihayag ng ahensya na bumisita ang delegasyon sa Pilipinas para talakayin ang mga ginawaga nilang paghahanda para sa pagtatayo ng Embassy of the Kingdom of Bahrain sa Maynila. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author