![]()
Dumanas ang Bahrain ng isa sa itinuturing na worst attacks of the war matapos tumama ang Iranian missile sa isang military base sa kanluran ng isla.
Ayon sa Bahrain, ang pag-atake sa Hamala Base ay pumaslang ng isang UAE military contractor na Moroccan national at sumugat ng iba, kabilang ang apat na nasa kritikal na kondisyon.
Lahat umano ng nasugatan ay Bahraini o UAE military personnel.
Tinawag naman ng isang senior Gulf official ang naturang pag-atake bilang “dangerous escalation.”
Sa Bahrain matatagpuan ang 5th Fleet ng US Navy subalit binakante na ang base, ilang araw bago magsimula ang giyera, at ang mga barko ay ipinakalat sa karagatan.
