Welcome sa National Economic and Development Authority (NEDA) ang bahagyang pagbaba ng inflation rate o galaw ng presyo ng mga produkto at serbisyo sa bansa nitong buwan ng Pebrero.
Kasunod ito nang i-ulat ng Philippine Statistics Authority (PSA) ang pagbagal ng inflation sa 8.6% nitong nakaraang buwan mula sa 8.7% noong Enero.
Dahil dito, iginiit ni NEDA Secretary Arsenio Balisacan na kailangang muling isaayos ng pamahalaan ang mga hakbang nito para mabawasan ang epektong dulot ng inflation.
Binigyang-diin din ng kalihim ang kahalagahan ng pag-aangkat ng mga agricultural product na magbabalanse aniya sa value supply chain ng bansa.