dzme1530.ph

Bagyong Emong, tuluyan nang lumabas ng PAR ngayong umaga

Loading

Nakalabas na ng Philippine Area of Responsibility (PAR) ang Tropical Depression Emong as of 7:10 a.m. Huli itong namataan sa layong 500 kilometro hilagang-silangan ng Itbayat, Batanes.

Sa kabila nito, patuloy na binabantayan ng PAGASA ang dalawang bagyo sa labas ng PAR, ang bagyong Francisco, na may dating pangalang Dante, ay namataan sa layong 640 kilometro hilaga ng Itbayat, Batanes. Taglay nito ang bugso ng hanging aabot sa 55 kilometro kada oras at kumikilos pakanluran sa bilis na 16 kilometro kada oras.

Samantala, ang bagyong Krosa ay huling namataan sa layong 2,315 kilometro silangan ng Northern Luzon, na may taglay na hangin hanggang 106 kilometro kada oras at kumikilos pa-hilaga hilagang-silangan sa bilis na 10 kilometro kada oras.

Dahil dito, patuloy na pinag-iingat ang publiko. Pinapayuhang magdala ng panangga sa ulan at manatiling nakaantabay sa mga susunod na weather update mula sa PAGASA.