![]()
Napanatili ng Tropical Storm Basyang ang kanyang lakas habang tinatawid ang Agusan del Norte.
Huling tinaya ng PAGASA ang sentro ng bagyo kaninang 4 am, sa bisinidad ng Jabonga, Agusan del Norte.
Taglay ni Basyang ang lakas ng hanging aabot sa 65 kph at pagbugso na hanggang 90 kph.
Kumikilos ito pakanluran hilagang kanluran sa bilis na 25 kph.
Nakataas ang signal no. 2 sa southern portion ng Leyte; Southern Leyte; Bohol; central at southern portions ng Cebu; Siquijor; Negros Oriental; at southern portion ng Negros Occidental.
Signal no. 2 rin sa Dinagat Islands, Surigao del Norte, northern portion ng Surigao del Sur; Agusan del Norte; northern portion ng Agusan del Sur; Camiguin; Misamis Oriental; northern portion ng Bukidnon; at eastern portion ng Misamis Occidental
Samantala, signal no. 1 naman sa southern portion ng Occidental Mindoro, southern portion ng Oriental Mindoro; Romblon; northern portion ng Palawan kabilang ang calamian, cuyo, at Cagayancillo Islands; at southern portion ng Masbate.
Signal no. 1 din sa southern portion ng Eastern Samar; southern portion ng Samar; Biliran; natitirang bahagi ng Leyte; natitirang bahagi ng Cebu; nalalabing bahagi ng Negros Occidental; Guimaras; Iloilo; Capiz; Aklan; at Antique.
Nakataas din ang signal no. 1 sa nalalabing bahagi ng Surigao del Sur; natitirang bahagi ng Agusan del Sur; northern portions ng Davao Oriental, Davao de Oro, at Davao del Norte; central portion ng Bukidnon; Lanao del Norte; natitirang bahagi ng Misamis Occidental; Lanao del Sur; eastern at central portions ng Zamboanga del Norte; northern at central portions ng Zamboanga del Sur; at northeastern portion ng Zamboanga Sibugay.
Ayon sa PAGASA, ngayong Biyernes ng umaga hanggang mamayang hapon, posibleng dumaan ang bagyong basyang malapit, o mag-landfall muli sa Bohol at southern portions ng Cebu at Negros Oriental.
