dzme1530.ph

Bagyong Aghon, nagdulot ng pagbaha sa CALABARZON

Nagdulot ng pagbaha sa rehiyon ng CALABARZON ang bagyong Aghon, kaya naman maraming mga motorista at pasahero ang naapektuhan sa iba’t ibang mga lalawigan.

Ayon sa Quezon Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office, malaking bahagi ng Lucena City, sa Quezon ang binaha.

Umabot na sa 300 indibidwal ang nailigtas habang nagpapatuloy ang rescue operations sa lalawigan.

Sa bayan ng Pagbilao, halos sumampa na sa tulay ang tubig mula sa ilog habang ilang mga bangka naman sa mauban ang nasira bunsod ng malakas na agos ng tubig.

 

About The Author