dzme1530.ph

Baguio City Mayor Magalong, hinimok na magpakita ng ebidensya na nakakakuha ng kickbacks ang mga mambabatas mula sa infra projects

Loading

Hinimok ni House Committee on Public Accounts Chairperson, Rep. Terry Ridon ng Bicol Saro party-list, si Baguio City Mayor Benjamin Magalong na patunayan ang pahayag nitong may mga mambabatas na kumukubra ng 30% hanggang 40% na kickback mula sa flood control at iba pang infrastructure projects.

Ayon kay Ridon, dapat maimbitahan si Magalong sa isasagawang imbestigasyon ng House panel kaugnay ng infrastructure spending ng pamahalaan.

Layon nitong matukoy ang posibleng mga ghost projects, bloated contracts, chronic underspending, at abuse of discretion sa fund realignment at procurement.

Idinagdag ng kongresista na mahalagang magprisinta ng ebidensya si Magalong upang makatulong sa magiging imbestigasyon ng komite.

Tiniyak din ni Ridon na walang sasantuhin sa imbestigasyon, mambabatas man, opisyal ng ahensya, o contractor, kung mapatunayang sangkot sa korapsyon.

About The Author