Nagpaabot ng suporta ang Mayors for Good Governance kay Baguio City Mayor Benjamin Magalong matapos itong magbitiw bilang special adviser ng Independent Commission on Infrastructure (ICI).
Ang ICI ay binuo ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para imbestigahan ang mga maanomalyang flood control projects at iba pang imprastraktura.
Ayon sa grupo, ang mahusay na track record ni Magalong ay patunay ng integridad, katapangan, at tiwala sa sarili na mahalaga sa totoong liderato.
Kabuuang 74 na kasalukuyan at dating mga alkalde, bise alkalde, gobernador, bise gobernador, at kongresista mula sa M4GG na co-founded ni Magalong ang lumagda sa pahayag ng suporta.
Kabilang sa mga pumirma ay sina Vico Sotto ng Pasig City, Joy Belmonte ng Quezon City, at si Leni Robredo, dating Bise Presidente at kasalukuyang alkalde ng Naga.