dzme1530.ph

Bagong testigo sa mga drug case ni Ex-Sen. Leila De Lima, iprinisinta ng prosekusyon

Kumpiyansa pa rin ang kampo ni detained former Senator Leila De Lima na papaboran sila ng korte batay sa ebidensya, sa kabila ng pagprisinta ng prosekusyon ng bagong witness sa re-opening ng kaso.

Sa ambush interview, kanina, sinabi ni Atty. Filibon Tacardon, Legal Counsel ni De Lima, na umaasa silang lalabas ang katotohanan at naniniwala sila na ibabase ng korte ang desisyon sa merito ng kaso.

Ipinag-utos ng Muntinlupa Regional Trial Court Branch 204 ang isang araw na re-opening sa kaso ng dating senador upang payagan ang prosekusyon na iprisinta ang rebuttal evidence at si Atty. Demiteer Huerta ng Public Attorney’s Office bilang rebuttal witness.

Inihayag naman ni Tacardon na ang promulgation ng kaso ay matutuloy sa May 12.

Si De Lima ay inakusahan na tumanggap ng pera mula sa illegal drug trade sa New Bilibid Prison noong naninilbihan siya bilang kalihim ng Department of Justice. —sa panulat ni Lea Soriano

About The Author