Inihayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na malapit nang iharap ng mga awtoridad ang isang bagong testigo na makatutulong sa kaso ng mga nawawalang sabungero.
Ayon kay Remulla, posibleng mapalakas ng bagong testigo ang kredibilidad ng pangunahing whistleblower na si Julie “Dondon” Patidongan. Hindi lang umano ito magbibigay ng karagdagang testimonya, kundi may dala rin itong totoong at konkretong ebidensiya.
Dagdag pa ng kalihim, ang naturang testigo ay isang sibilyan na hindi pa lumalabas sa anumang ulat sa media.
Samantala, hiniling din ni Remulla kay PNP Chief Police General Nicolas Torre III na i-relieve ang isang service commander na konektado sa kaso, at agad naman itong ipinatupad.