dzme1530.ph

Bagong single ng SB19, pasok sa top 10 ng World Digital Song Sales Chart ng Billboard

Nag-debut sa number 8 ng World Digital Song Sales Chart ng Billboard ang viral hit na “Gento” ng Filipino group na SB19.

Nangangahulagan lamang ito na ang kanilang kanta ay nakapagtala ng most downloaded songs sa buong mundo sa nagdaang weeklong tracking period.

Una ng kinilala ang grupo noong 2021 matapos silang makatanggap ng nominasyon para sa Top Social Artist Category ng Billboard Music Awards.

Ang “Gento” ng SB19 ang Highest-Charting Filipino Act at panlimang OPM song na nakapasok sa naturang Billboard chart kabilang na dito ang “Pusong Bato” ng Alon, “Amatz” ni Shanti Dope, “Anong Nangyari sa Ating Dalawa” ni Ice Seguerra, at “Tala” ni Sarah Geronimo. —sa panulat ni Jam Tarrayo

About The Author