dzme1530.ph

Bagong PNP Chief Gen. Acorda, best choice bilang PNP Chief —Sen. Bato

Best choice.

Ganito inilarawan ni dating PNP Chief at ngayo’y Senador Ronald Bato Dela Rosa si General Benjamin Acorda na itinalaga bilang bagong hepe ng pambansang pulisya.

Sinabi ni Dela Rosa na naniniwala siyang nagsaliksik nang maigi ang punong ehekutibo bago siya nagdesisyon sa liderato ng PNP.

Sinabi ni Dela Rosa na kailangang kailangan para sa internal cleansing program ng PNP ang background ni Acorda sa intelligence field, partikular sa counter-intelligence.

Inilarawan din ng senador si Acorda bilang silent operator at propesyunal na opisyal na hindi nagpapadala sa anumang pressure mula sa mga makasariling pulitiko.

Dahil dito buo ang tiwala ng senador sa bagong hepe ng PNP na pangungunahan ang paglilinis sa hanay ng pulisya at mas magiging aktibo sa pag-aksyon laban sa mga bulok na niyembro ng organisasyon. —sa ulat ni Dang Garcia

About The Author