dzme1530.ph

Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, dadalhin sa 82 probinsya sa bansa

Dadalhin ng administrasyong Marcos sa lahat ng 82 probinsya sa bansa ang Bagong Pilipinas Serbisyo Fair.

Ito ay matapos ang matagumpay na nationwide launching ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair sa Camarines Sur, na pinangunahan mismo ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr..

Bukod sa Cam-Sur, nagkaroon din ito ng sabayang paglulunsad sa Ilocos Norte, Leyte, at Davao de Oro.

Ayon sa Pangulo, ito ay isa lamang sa mga unang hakbang ng gobyerno upang makapagbigay pag-asa sa mga Pilipino sa pamamagitan ng paglalapit ng mga serbisyo sa kanilang mga lalawigan.

Sa ilalim ng Bagong Pilipinas Serbisyo Fair, pinagsama-sama sa isang caravan ang mga serbisyo ng iba’t ibang ahensya kabilang ang Kadiwa ng Pangulo, passport on wheels, driver’s license registration, national ID, PAG-IBIG fund, at National Bureau of Investigation at police clearance applications. –sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News

About The Author