Inilunsad ng Presidential Communications Office ang “Bagong Pilipinas” logo kasabay ng pag-arangkada ng “Bagong Pilipinas” campaign.
Tampok sa logo ang disenyong hango sa watawat ng Pilipinas kabilang ang tatlong bituin at isang araw.
Makikita rin sa dalawang asul na stripes ang nakaukit na mga windmill, satellite, solar panels, at mga planta, na sumisimbolo sa mithiin para sa maunlad na Pilipinas sa pamamagitan ng pagiging advanced sa teknolohiya at pag-develop ng industriya.
Ang tatlong pulang stripes naman ay may naka-ukit na mga gusali na sumisimbolo sa tatlong development periods sa kasaysayan, ang post-war agricultural at rural development, post-colonial period, at current metropolitan development.
Ang sumisikat na araw ay kumakatawan sa pag-usbong ng Bagong Pilipinas at ang hangaring maging sentro ng global market at community of nations.
Habang ang weave pattern ay sumisimbolo sa koneksyon at pagkakaisa ng bawat Pilipino.
Sa kabuuan, ang Bagong Pilipinas logo ay sumisimbolo sa vision ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. para sa bansa, kabilang ang pagkakaisa at kultura ng bayanihan. —sa ulat ni Harley Valbuena, DZME News